"Ang Alamat ng Ilaw"

"Ang Alamat ng Ilaw"

Noong unang panahon, sa baryo ng Irawan. Si Ilina De Luna ay manganganak ng sanggol pero mayroon siyang sakit. Pumunta siya sa isang albularyo at binigyan siya ng isang bulaklak na kumikinang. Pagkatapos kinain niya ito at nawala ang kanyang sakit at nagtagumpay ang kanyang operasyon sa panganganak niya. Nanganak si Ilina De Luna kang Linawa De Luna. Si Linawa ay hindi tulad ng ibang mga bata, kapag umiyak siya, siya ay kumikinang.

Isang araw, namatay si Ilina De Luna. Pagkatapos ng ilang araw, inampon ni Gloria De Leyon si Linawa. Ginagamit ni Gloria si Linawa sa ng sobra sobra. Isang araw, naglalaba si Linawa ng mga damit, nakita niya na may aso natutulog sa tabi ng kanilang bahay. Binigyan ni Linawa ng pagkain ang aso at pinaliguan niya ito. Nakita ni Gloria ang aso at kinuha niya ito, at umiyak si Linawa, at nang umiiyak siya, bigla siyang lumiwanag. Nagulat si Gloria nag nakita niya na lumiwanag si Linawa. Kinuha niya si Linawa at kinulong niya si Linawa sa isang celda na parang lampara. Kuminang ng sobra ang celda, dahil ito sa pagiyak si Linawa. Dahil dito mayroong ilaw. Sa wakas, sabi ng matatanda at sabi sabi kapag may ilaw umiiyak daw si Linawa.

Comments